Pakinggan ang isang Alien
Miyerkules, Marso 6, 2013
Independence Day Celebration.
Eto yung unang activity na sinalihan ko sa school. Sa practice namin na pa-easy easy lang nung una, hindi namin akalain na maganda at buo naming matatapos. Hindi ko malilimutan ang araw na to. Ito yung unang pagkakataon na sumali ako sa isang activity tapos nanalo pa kami. Salamat nga pala sa mga nagtyagang nagturo samin nun aa. Lahat ng mahihirap na kilos, pagbigkas, at iba pa, lahat worth it. Yung pagod, yung pagpasok ng maaga para sa practice, yung sermon ng mga nagtuturo, lahat ng yun nabaliwala nung kami yung nanalo. Lahat ng pagod napalitan ng saya. Ang sarap sa pakiramdam ng manalo.
Malapit na.
Ang bilis ng panahon noh? Kelan lang parang Independence Day Celebration palang sa QCA tapos agad agad malapit ng mag-graduation. Hindi ko din namalayan yung oras. Ang bilis. Ang dami na din palang nangyari ngayong school year na ito. Mga sariling pangyayari na hindi malilimutan. Kapag naiisip ko yun, napapangiti ako. Ang dami na pala nating pinagdaan ng magkakasama. Yung saya kapag nananalo tayo sa mga contest sa school, yung mga tawanan sa loob ng isang kwarto, yung kwentuhan, iyakan. Napakarami, pero malilimutan din ba natin yung mga times na down na down tayo? Yung hindi palaring manalo sa contest kahit ginawa mo yung best mo, yung nababadtrip ka kase ang baba ng nakuha mong score sa exam, yung lungkot kase alam mong pagkatapos ng graduation ang ilan sa mga kaibigan mo di mo na makikita. Isa lang ang masasabi ko, ang saya maging high school, napakarami mong matututunan, mula sa pagiging uhugin mahuhubog ka ng mga taong nakakaimpluwensya sa paligid mo.
Pero sa lahat ng nangyari, nasubukan mo na bang magpasalamat sa mga taong naging totoong kaibigan mo? Magsorry sa mga nasaktan mo. Hindi pa naman ubos yung oras natin ee. Kaya sana bago tayo magkalayo layo, masabi at maipadama natin kung ganu tayo ka-thankful kasi binigyan tayo ng chance makilala ang isa't isa at magkasama sama. Congrats sa lahat ng ga-Graduate! Congrats satin SENIORS <3.

Pintuan.
Ang pintuan para yang choice ng tao ee. Kung aling pintuan ang buksan mo, yun yung choice na pinili mo, yun yung bagay na dapat mong panindigan, at yun yung pinili mong buksan para tahakin at sabayan ang agos ng mga pangyayari sa likod ng pintuan na yun. Minsan may mga taong kapag hindi nagustuhan o may nangyaring mali sa loob ng kanyang pintuan na kanyang nabuksan, sinisisi nya ang iba. Parang paggawa mo ng kasalanan tapos sasabihin mo dahil kay ano, dahil sa ganito and so on. Natanong mo na ba sa sarili mo minsan kung kaninong kamay ba ang nagbuksan ng pintuan na yun o sabihin na natin na sino ba ang nagdesisyon para gawin ang bagay na yun? Sya ba? Hindi bat ikaw? Ikaw ang nagdedesisyon sa buhay mo kaya responsibilidad mo yun at hindi mo kelangan isisi sa iba ang mga hindi kanais nais na pangyayari. Life goes on with or without you. Kaya sa mga pintuan na tatahakin mo, dapat handa ka sa mga pwedeng mangyari, positive or negative man.
At sa pag-graduate natin, panibagong pintuan na naman ang bubuksan natin. Panibagong mga taong makakasalamuha. Mga bagong kaibigan. Pagbabago ng pamantayan. Pagbabago ng mga bagay na mas makikilala mo pa ang sarili mo. At sana sa pintuan na bubuksan mo, siguraduhin mong tatanggapin mo lahat ng responsibilidad na papasukin mo.
"Choice natin ang gumagawa ng Destiny natin."

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)