Ang pintuan para yang choice ng tao ee. Kung aling pintuan ang buksan mo, yun yung choice na pinili mo, yun yung bagay na dapat mong panindigan, at yun yung pinili mong buksan para tahakin at sabayan ang agos ng mga pangyayari sa likod ng pintuan na yun. Minsan may mga taong kapag hindi nagustuhan o may nangyaring mali sa loob ng kanyang pintuan na kanyang nabuksan, sinisisi nya ang iba. Parang paggawa mo ng kasalanan tapos sasabihin mo dahil kay ano, dahil sa ganito and so on. Natanong mo na ba sa sarili mo minsan kung kaninong kamay ba ang nagbuksan ng pintuan na yun o sabihin na natin na sino ba ang nagdesisyon para gawin ang bagay na yun? Sya ba? Hindi bat ikaw? Ikaw ang nagdedesisyon sa buhay mo kaya responsibilidad mo yun at hindi mo kelangan isisi sa iba ang mga hindi kanais nais na pangyayari. Life goes on with or without you. Kaya sa mga pintuan na tatahakin mo, dapat handa ka sa mga pwedeng mangyari, positive or negative man.
At sa pag-graduate natin, panibagong pintuan na naman ang bubuksan natin. Panibagong mga taong makakasalamuha. Mga bagong kaibigan. Pagbabago ng pamantayan. Pagbabago ng mga bagay na mas makikilala mo pa ang sarili mo. At sana sa pintuan na bubuksan mo, siguraduhin mong tatanggapin mo lahat ng responsibilidad na papasukin mo.
"Choice natin ang gumagawa ng Destiny natin."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento