Miyerkules, Marso 6, 2013

Malapit na.

Ang bilis ng panahon noh? Kelan lang parang Independence Day Celebration palang sa QCA tapos agad agad malapit ng mag-graduation. Hindi ko din namalayan yung oras. Ang bilis. Ang dami na din palang nangyari ngayong school year na ito. Mga sariling pangyayari na hindi malilimutan. Kapag naiisip ko yun, napapangiti ako. Ang dami na pala nating pinagdaan ng magkakasama. Yung saya kapag nananalo tayo sa mga contest sa school, yung mga tawanan sa loob ng isang kwarto, yung kwentuhan, iyakan. Napakarami, pero malilimutan din ba natin yung mga times na down na down tayo? Yung hindi palaring manalo sa contest kahit ginawa mo yung best mo, yung nababadtrip ka kase ang baba ng nakuha mong score sa exam, yung lungkot kase alam mong pagkatapos ng graduation ang ilan sa mga kaibigan mo di mo na makikita. Isa lang ang masasabi ko, ang saya maging high school, napakarami mong matututunan, mula sa pagiging uhugin mahuhubog ka ng mga taong nakakaimpluwensya sa paligid mo.
Pero sa lahat ng nangyari, nasubukan mo na bang magpasalamat sa mga taong naging totoong kaibigan mo? Magsorry sa mga nasaktan mo. Hindi pa naman ubos yung oras natin ee. Kaya sana bago tayo magkalayo layo, masabi at maipadama natin kung ganu tayo ka-thankful kasi binigyan tayo ng chance makilala ang isa't isa at magkasama sama. Congrats sa lahat ng ga-Graduate! Congrats satin SENIORS <3.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento